Ang pagtatalo ng PUSO at ISIP ko.
PUSO: Pinilit mo lang naman ako, di ba? Paulit-ulit mong sinabi kaya pinagbigyan na kita.
ISIP: Sino ba yan?
PUSO: Kita mo na, na-curious ka rin.
ISIP: Trabaho ko naman talagang maging curious. Sino nga?
PUSO: Siya. Bago.
ISIP: Ano naman nagustuhan mo jan?
PUSO: Basta lang. Kilalanin mo din kasi, magugustuhan mo rin.
ISIP: Di rin siguro. Tandaan mo, trabaho ko din na pigilan ka sa mga nagugustuhan mo. Utos yan sakin ni Ena.
PUSO: E bakit sakin wala naman siyang inuutos?
ISIP: Meron. Ayaw mo nga lang makinig kaya nagsawa na siya sa kasasabi.
PUSO:
ISIP:
PUSO: Hindi ba talaga ko marunong makinig?
ISIP: Sa totoo lang, nakikinig ka naman e. Di ka nga lang marunong sumunod. Tulad ngayon, nagpapahinga ka dapat pero ayan, ano na naman ginagawa mo?
PUSO: Hindi ko naman kailangan magpahinga. Malakas ako. Akala nyo lang mahina pero malakas talaga ako.
ISIP:
PUSO: Oo.
ISIP: Anong balak mong gawin?
PUSO: Sasabihin ko sa kanya.
ISIP: Pwede bang ipagpaliban mo muna ng ilang buwan? Sa tingin ko mas makabubuti yon para sa 'yo.
PUSO: Bakit naman?
ISIP: May dahilan pero mahirap ipaliwanag. Hindi lahat makakaunawa.
PUSO: Bakit nga?
ISIP: Ang kulit mo naman.
PUSO: Shempre, kaligayahan ko ang ipinagpapaliban mo tapos ayaw mo akong bigyan ng dahilan...
ISIP: Kasi maaring kalungkutan din ang maidulot sa yo ng pagmamadali.
PUSO: Talaga bang lagi akong nagmamadali?
ISIP: Hindi naman. Minsan, mabagal lang talaga sila kaya ikaw ang nauuna.
PUSO: Pinapatawa mo naman ako e...
ISIP: Ganyan talaga. Isa din yan sa trabaho ko pag nalulungkot ka na. Ano, payag ka na bang wag mo munang sabihin sa kanya?
PUSO: Sige, di na lang muna.
ISIP: At di ka rin gagawa ng paraan para di siya mag-isip na may gusto ka sa kanya?
PUSO: Yan ang di ko maipapangako. Hehe
No comments:
Post a Comment